Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc.

Sunday, March 12, 2006

Anong say mo, Kabataang Espiritista?: Dapat bang magkaroon ng age limit ang KKEP members?

Magandang araw mga Hermano at Hermana!!! Pagpuri at pasasalamat sa Dakilang Ama, kapayapaan at pag-ibig sa ating lahat.

Itong mga nakaraang Regular Meeting ng KKEP National Board of Directors ay pinag-usapan ang usaping tungkol sa pagkakaroon ng age limit ng KKEP Members na maaaring manominate at maelect sa anumang posisyon sa Lokal, Probinsyal at Regional Komite. Ang usapin at isyung ito ay matagal nang pinag-uusapan subalit hanggang ngayon wala pa rin konkretong hakbanging at malinaw na stand ang KKEP National Board of Directors.

Maraming mga tanong at puntos ang dapat na isaalang-alang dito bago makapagdesisyon ang KKEP National Board ukol sa usaping ito.

Una, kailangan ba talagang magkaroon ng age limit ang mga manonominate at maeelect na KKEP officers?

Pangalawa, kung oo o hindi man ang sagot, anu-ano ang mga kadahilanan sa ganitong desisyon?

Pangatlo, kung maglalagay nga ng age limit, ano naman ang iseset na age limit?

Pang-apat, kung sakaling ang isang KKEP member ay lumagpas na sa nasabing age limit at siya ay aktibo pa ring nagsisilbi sa Kapatiran at merong siyang kakayahang maging epektibong pinuno, ano ang magiging posisyon o roles nya sa KKEP?

Paglima, anu-ano ba ang advantage at disadvantage ng paglalagay ng age limit sa mga inonominate at ieelect na KKEP officers?

Pang-anim, maglalagay lang ba ng age limit sa mga inonominate at ieelect na officers o kasama dito ang regular member?

Pangpito, saan ba nagsisimula at nagtatapos ang yugto ng pagiging kabataan?

Pangwalo, anu-ano ba dapat ang magiging basehan natin upang tayo ay masasabing qualified KKEP members at officers?

Ang mga katanungang nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga itinanong ng mga Director ng KKEP sa kanilang pagpupulong. Ilan sa mga Director ang nagsasabing dapat magkaroon ng age limit ang inonominate at ieelect na KKEP officers. Meron din namang nagsasabing hindi ito kailangan. Ang mga sumusunod ay ang mga nai-suggest na age limit: 30, 33, 35, at 36.

Sa proposal ng ilang KKEP Directors, ang mga Kabataang Espiritista na lumampas na age limit ay maituturing honorary members na maaaring iappoint o ielect sa posisyong adviser.

Hanggang ngayon ang usapin ito ay bukas pa rin dahil nararapat lamang na magkaroon ng malawakang konsultasyon sa mga KKEP members upang malaman ang kanilang mga opinyon, komento at suhestiyon sa bagay na ito na dapat din namang isaalang-alang ng KKEP National Board of Directors.

Kung kaya't, hinikayat namin ang bawat miyembro ng KKEP na magbigay ng kanilang comments at suggestions tungkol sa pagbibigay ng age limit sa mga inonominate at ieelect na KKEP officers.

Maaari lamang ipost ang inyong comment sa pamamagitan ng pag-click sa comments o kaya mag-email sa kkepdirectors@yahoo.com.

Maraming salamat at muli kapayapaan nawa ang maghari sa ating kabuuan. Manatili nawa tayong naglilingkod para sa ikatatagumpay ng ating Kapatiran at ikabubuti ng ating espiritu.

4 Comments:

  • i don't understand why the issue on age/age limit for the youth remained unsettled.

    when i was still active in the kkep, i had the chance to attend meetings and sessions representing region 17, but this issue was not tackled during those dates where i was present... unfortunately!

    since this issue was opened here for discussion, i'd like to contribute some facts hoping that it would pave the way for the crafting of an ammendment on the age limit, if any.

    according to the available resources, youth is and should be defined as those whose age is between 13 and 30 AND not married.

    why 13? physiologically, it is the start of puberty age. it is also the age when one starts to mature... not kid anymore. that means 13 years old below belongs to sbssm or sunday school.

    why 30? most countries have their youth's age limit at 30 yrs old because the human's average life span is 60 years. Japan set their youth up to 35 because the average age span of the japanese is 70. should the average life span of the Filipinos would increase (it's a global trend, anyway)i can't see any reason why it should not be set to 35... that wouldn't be a problem.

    why NOT MARRIED? because those married are suppose to have children. and then they are called parents. parents are the elders in the UNION. an active youth officer who has just married can still serve until the end of his/her term. after the term, he/she can still serve the UNION by joining the elders.

    By Anonymous ronald miclat, at 12:45 PM  

  • since this issue started way back 3yrs.ago na kahit ako ay nabigla ng panahon namin 1988 ng magstart ako time pa ni hermanaa Yolly PAvia bilang Pres.hindi isyu ang idad kung gustong maglingkod.Bakit ang may mataas na edad ay mas seryoso sa paglilngkod walang pag-aaalinlangang gumanap ng tungkulin isa sa mga nakagawanito ay ang naging kkep pres.12yrs na ngasimula na maging pres.ng siya ay 30 yrs.old imagine that sa loob ng 12yrs.nagawa niyang maging matapat na pangulo ng kkep nahikayat ang hunta direkitba ng mga ktandaan na pagkatiwalaang muli ang mga kabataan bigyan ng boses sa bawat pagpupulong.Bigyan ng sapat na pondo ang sangay ng uecfi na kahit may mga pagkakataong pinag alinlangan ito ng mga katandaan sa kanyang pamumuno napatunayan nya khit sa nandun na sya sa edad na yun hindi ito hadlang para mapaglingkod sa kapatiran.Ngayon kung magbabago ang edad paano yung katulad ng edad nya na may kakayahan ding tulad nya kung kailangan maglingkod para sa kabataan hangga't kaya nya malibang siya mismo ang pumili n humilera na sa katandaan no.Kundu sa kanaya baka ultiomo pondo hindi ipinagkatiwala sa KKEP samakatuwid kwestiyon ba talga ang edad para maglingkod nung una may asawa ang kinukwestiyon ngayon iba edad insulto yun sa nauna sa inyo bigla nauso kayo babaguhin nyo para sabihing magaling na mahusay akayo mag isip po sana kayo>ako walang kwestiyon ang edad basta gustong maglingkod ng tapat at may hagnaring umunlad ang buhay espiritwal.Dedikasyon ang dapat na unanhin hindi kung ano ang dapat baguhin para wala na tuloy kayong pinag kaiba sa bansa natin sa bawat bagong umuupo gumagawa ng bagong utos nakakaligtaan ang dating mgandang utos pala nagbgay ng mas magandang pag unlad ng ating kapatiran.Sana mapag isipan po itong mabuti bago mapagdesisyonan.Salamat po mabuhay ang mga espiritista ang KKEP.

    By Blogger rodrigojr.diaz, at 7:36 AM  

  • I enjoy reading a post that can make men and women think.
    Also, many thanks for allowing for me to comment!

    Feel free to visit my site: Full Article

    By Anonymous Anonymous, at 10:53 PM  

  • Please post kung ano pro any vision, mission at values prong aacting kapatiran, thnx !

    By Anonymous Anonymous, at 6:54 PM  

Post a Comment

<< Home