Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc.

Monday, March 13, 2006

UNION ESPIRITISTA CRISTIANA de FILIPINAS, INC.
CENTRO GENERAL
Sampaguita St. A. Samson, Quezon City
(SEC Registry, March 19, 1959, No. 15147)
Tel. No. (02) 415-6750

October 17, 2005

THE CHAIRMAN AND MEMBERS OF THE BOARD
Of the Movie, Television and Radio Censorship Board (MTRCB)
6th Fl., Presidents Tower, Timog Avenue
Diliman, Quezon City

MANIFESTATION OF TRUTH

RE: The Movie “ISPIRITISTA- ITAY, MAY MOOMOO!”

Greetings!

“Ispiritista”/”Espiritista” is the calling for the Faithful Christian believers of the Holy Spirit. The Holy Bible says, “Ang Dios ay Espiritu at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangan magsisamba sa Espiritu at Katotohanan,” Juan 4:24. [This is] the reason why the believers are called “Ispiritista/Espiritista.” There are hundreds of millions of Spiritists/Spiritualists around the globe, different spelling but just one and the same meaning.

In our country, we call “Katoliko” for the Roman Catholic believers, Born Again for the Christian groups, etc.

Our group is registered under the name of Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc.-UECFI (as briefly explained in Yours Fraternally Magazine of the International Spiritualist Federation (ISF), England, January 2005 issue, page 23. Annex-A) is registered with the Securities and Exchange Commission (SEC) Registry No. 15147, and classified as a Religious Association.

The teaching is called Spiritism (just like Christianism, Buddhism, etc.) because it involves Faith in Holy Spirit, research and studies on own’s soul/spirit purification, its advancement/progress towards God through the direct teaching and governance of the Holy Spirit; Spiritism doctrines (Annex B) constitute the beliefs, values, morals and principles of the believers, known as “Ispiritistas/Espiritistas.”

Our members are all over the country from Luzon to Mindanao, including those who are working and/or residing in several foreign nations like in the US mainland, Canada, Hawaii, Hong Kong, and Italy who are supportive and actively participating in our activities and could spare their time and money to get home for the sake of Faith, as made known by their presence during our recently concluded Centennial Celebration (photocopy of e-mail messages before they came is attached Annex C).

Also, our foreign affiliation to the International Spiritualist Federation (ISF), with more that 35 member countries including USA, France, Spain, etc., have high respect and appreciation to Philippine Spiritism, and who also pledged and continuously fulfilling their promise in promoting the country for further Spiritual growth and progress of students and believers of Spiritism, as evidence by their worldwide, circulated magazine and speaking engagement in various Spiritual organizations (photocopies of e-mail messages herein attached Annex D1, D2.)

In our Centennial Anniversary and General Assembly held last February 2005, Her Excellency President Gloria Macapagal Arroyo sent her warmest greetings to our group “for the unity and harmony of our people through the power of Faith and Religion” (Annex E).

With all the foregoing circumstances, we are deeply sad of the false impression and misbelieve to our group called Union –“Ispiritistas/Espiritistas” implicated in the forthcoming showing of the discriminating film entitled “ISPIRITISTA- ITAY, MAY MOOMOO!,” which will portray dishonor, disgrace and humiliate our members and the Union, as well.

In view of the above, we humbly pray that our brief expression of the truth be considered and favorably acted upon for the amendment or revision of the said movie title and to edit portions by deleting all the words or names referring to “Ispiritista/Espiritista” with due respect to the Holy Spirit and His Ministering Spirits, the Bible says, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, ang bawat kasalanan at kapusungan ay ipapatawad sa mga tao; datapuwat ang kapusungan sa Espiritu ay hindi ipatatawad” (Mateo 12:31).

With the Blessings of the Holy Spirit.

Sincerely yours,

(Signed) FLORENCIO A. JUAN, JR.
President General
------------------------------------------------------------------------------------------------

UNDERTAKING

The Producers of the movie “ISPIRITISTA… ITAY, MAY MOOMOO..!,” by way of compromise to the complaint filed by the “Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc.” before the MTRCB, now undertake:

1. To add a disclaimer in Filipino or English at the start of the movie stating that the movie and/or its characters does not in any way refer to any religious organization, in particular the Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc.;
2. To acknowledge Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc. at the end of the movie;
3. To have the producer, REGAL ENTERTAINMENT, INC., make a press statement clarifying that the movie doest not in any way refer to any religious organization, in particular the Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc.;
4. To exert best efforts to request the artists of the movie to clarify that the said movie is not related to any religious organization, in particular the Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc.

MTRCB, 17 October 2005
For the Producers:

(Signed) AGNES H. MARANAN (Signed) TONY Y. REYES
Counsel for Regal and APT Director

For the Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Inc.

(Signed) ISIDORO L. PADILLA (Signed) FLORENCIO A. JUAN, JR.
Counsel for Union Epiritista Cristiana de Filipinas, Inc. President General, Union Epiritista Cristiana de Filipinas, Inc.




Sunday, March 12, 2006

Divine Horizon Now Available for Circulation

We are pleased to inform all members of the KKEP and UECFI that the Divine Horizon, the official publication of the KKEP, is now available for circulation. You can buy your personal copies and get your subscription copies to the Circulation Staff of the Divine Horizon by sending email to kkepdivineh@yahoo.com for PhP40.00 per copy. The Divine Horizon, volume 1 issues no. 1 and 2, includes feacture articles about the Centennial Anniversary of the UECFI last February 2005, history of spiritism, basic information about mediumship, news articles from different regions, history of Centro Lunduyan Tagumpay ng Katotohanan, and biography of the founders of spiritism in the Philippines namely, Juan Alvear and Agustin de la Rosa.

Upcoming issue of the Divine Horizon will be released on July 2006. Interested contributors may submit your news articles to kkepdivineh@yahoo.com.

Anong say mo, Kabataang Espiritista?: Dapat bang magkaroon ng age limit ang KKEP members?

Magandang araw mga Hermano at Hermana!!! Pagpuri at pasasalamat sa Dakilang Ama, kapayapaan at pag-ibig sa ating lahat.

Itong mga nakaraang Regular Meeting ng KKEP National Board of Directors ay pinag-usapan ang usaping tungkol sa pagkakaroon ng age limit ng KKEP Members na maaaring manominate at maelect sa anumang posisyon sa Lokal, Probinsyal at Regional Komite. Ang usapin at isyung ito ay matagal nang pinag-uusapan subalit hanggang ngayon wala pa rin konkretong hakbanging at malinaw na stand ang KKEP National Board of Directors.

Maraming mga tanong at puntos ang dapat na isaalang-alang dito bago makapagdesisyon ang KKEP National Board ukol sa usaping ito.

Una, kailangan ba talagang magkaroon ng age limit ang mga manonominate at maeelect na KKEP officers?

Pangalawa, kung oo o hindi man ang sagot, anu-ano ang mga kadahilanan sa ganitong desisyon?

Pangatlo, kung maglalagay nga ng age limit, ano naman ang iseset na age limit?

Pang-apat, kung sakaling ang isang KKEP member ay lumagpas na sa nasabing age limit at siya ay aktibo pa ring nagsisilbi sa Kapatiran at merong siyang kakayahang maging epektibong pinuno, ano ang magiging posisyon o roles nya sa KKEP?

Paglima, anu-ano ba ang advantage at disadvantage ng paglalagay ng age limit sa mga inonominate at ieelect na KKEP officers?

Pang-anim, maglalagay lang ba ng age limit sa mga inonominate at ieelect na officers o kasama dito ang regular member?

Pangpito, saan ba nagsisimula at nagtatapos ang yugto ng pagiging kabataan?

Pangwalo, anu-ano ba dapat ang magiging basehan natin upang tayo ay masasabing qualified KKEP members at officers?

Ang mga katanungang nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga itinanong ng mga Director ng KKEP sa kanilang pagpupulong. Ilan sa mga Director ang nagsasabing dapat magkaroon ng age limit ang inonominate at ieelect na KKEP officers. Meron din namang nagsasabing hindi ito kailangan. Ang mga sumusunod ay ang mga nai-suggest na age limit: 30, 33, 35, at 36.

Sa proposal ng ilang KKEP Directors, ang mga Kabataang Espiritista na lumampas na age limit ay maituturing honorary members na maaaring iappoint o ielect sa posisyong adviser.

Hanggang ngayon ang usapin ito ay bukas pa rin dahil nararapat lamang na magkaroon ng malawakang konsultasyon sa mga KKEP members upang malaman ang kanilang mga opinyon, komento at suhestiyon sa bagay na ito na dapat din namang isaalang-alang ng KKEP National Board of Directors.

Kung kaya't, hinikayat namin ang bawat miyembro ng KKEP na magbigay ng kanilang comments at suggestions tungkol sa pagbibigay ng age limit sa mga inonominate at ieelect na KKEP officers.

Maaari lamang ipost ang inyong comment sa pamamagitan ng pag-click sa comments o kaya mag-email sa kkepdirectors@yahoo.com.

Maraming salamat at muli kapayapaan nawa ang maghari sa ating kabuuan. Manatili nawa tayong naglilingkod para sa ikatatagumpay ng ating Kapatiran at ikabubuti ng ating espiritu.

Friday, March 10, 2006

KKEP National Board of Directors elects Executive Officers

National President Hmno. Ronald S. Gamiao
National Vice-President Hmno. Jesus M. Zambrano
Nationnal Secretary Hmna. Marian S. Ramos
National Treasurer Hmna. Emma C. Cornejo
National Auditor Hmna. Dalisay A. Lagmay
National PRO Hmna. Ruby Ann J. Ocampo

Thursday, January 12, 2006

Maikling Kasaysayan ng Espirtismo sa Pilipinas

Bago natapos ang mga panahong patungo sa kasaysayang ng Malayong Silangan sa Simpuluanin kung saan ang kapuluan ng Pilipinas ay bahagi, ang pagpapakita o pagpapahayag ng mga kaluluaw ng mga lumisan ay nakikitang karaniwan sa ayos na multo ng ordinaryong tao. Minsan, ang mga kaluluwa ay nagpaparamdam sa pamamagitan ng pagkatok, kakaibgan sigaw, mga tining sa animo’y nagmumula sa ilalim ng lupa, at iba pang mga tunog na kakaiba. Ngayon, nararanasan pa rin ang mga ganito. Ang pagbisita ng mga multong ito ay pamilyar na sa mga mapamahiing tao. Dahil sa walang siyentipikong kaalaman sa posibilidad ng pakikipag-ugnay sa espiritu, ang mga tao sa baryo ay gumagawa ng mga sariling haka-haka, ipinaliliwanag kung papaano tutugunan ang pangyayari. Gayunpaman, ilan sa magigiting na tao ang nag-isip ng mga paraan, gaano man kakonti ang kanilang nalalaman upang maintindihan ang kababalaghang ito.
Ang pakikipag-ugnay ng mga espiritu ay nakatawag sa pansin ng mga mapag-usisa at ng mga taong mahilig mag-imbistiga sa mga penominang ito. Isa sa kanila ay nagsimulang alamin ang tungkol dito. Ang pagkakaalam ng marami, ang penominang gumugulo sa kanila ay sanhi ng mga multo ng mga malalapit nilang kamag-anak o kaibigan na humahanap ng paraan upang makipag-ugnay sa mga nabubuhay pa. Ang mga mahal sa buhay na may namatay na may dalang sikreto hindi nabunyag noong sila’y nabubuhay pa, hindi humihinto hangga’t hindi sila napapansin. “Nakakausap ng mga espiritista ang mga namata; ang sabi nila na sinimulang obserbahan at pag-aralan ng mga tao.
Naniniwala ang mga mapaniyak na ang kamatayan ng pisikal na katawan ang pinakahuling hantungan ng tao. Katulad nila, ang mga palaisip na may malakas na pananampalataya ay naniniwala na ang kaluluwa ng namatay ay naghihintay ng huling hukom at hinihintay ang kanilang huling pupuntahan. Ang pakikipag-ugnay sa mga humihiwalay na kaluluwa ay nakapag-alis ng kanilang takot ukol sa masakit na daranasin ng mga makasalanan, o ang pagkawalang-saysay ng mga pagsisikap noong nabubuhay pa dahil ang lahat ay mapuputol sa oras na mamatay ang pisikal na katawan; at hindi lang iyan. Ang humihiwalay na kaluluwa ay “makikipag-usap” sa nabubuhay.
Si Don Agustin dela Rosa, ang kauna-unahang presidente ng “Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Incorporada” ay isa sa mga tao na nagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa penomina ng spirit communication. Sa isang lugar kung saan siya nakatira, madalas ang isang bisita ay nakapapansin o nakararamdam ng mg multo o nakaririnig ng mga kakaibang tunog. Ito ang nagtulak kay Don Agustin upang lalong ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa mga pagpaparamdam ng mga espiritu, isang insidente ang naganap.
Isang babae ang humiram ng singsing sa kanyang pinsan at ito ay ibinigay niya sa kanyang katipan bilang simbulo ng kanyang pag-ibig. Makalipas ang ilang araw, ang kanyang pinsan ay namatay. Kinabukasan matapos ang libing ng may-ari ng singsing, kakaibang pangyayari ang naganap habang sinisimulan ang nobena sa kapilya. Ito ay nagdulor ng kaguluhan sa mga taon kaya’t hinanap nila ang dahilan nito. Narinig o naramdaman nila ang mabibigat na yapak sa sahig at tunog ng tila nahuhulog na mga bakal ng sandalyas, ngunit hindi nakikita ng mga mata ng taong naroroonan.
Noong gabi din iyon, ang babaing humiram ay hindi makatulog ni makaidlip. Isang kakaibang tinig mula sa kung saan ang bumubulong sa kanyang mga tenga ng ganito: “Kunin mo ang singsing na hiniram mo sa akin at ibigay mo sa aking ina.” Tuwing gabi, ang nakakatakot na tinig ay inuulit-ulit ang mga salitang iyon tungkol sa singsing. Ito ay nagtagal hanggang sa kinailangan nang matulog ang babae sa gitna ng mga kapamilya. Dahil dito, napabayaan niya ang kanyang sarili. Naging napakapayat niya, mahina at namumutla, ngunit patuloy pa rin ang tinig tungkol sa singsing.
Dahil sa nabalitang ito, patuloy na tinanong ni Don Agustin dela Rosa ang kanyang sarili: kung ang kaluluwa na kaaalis lamang mula sa pisikal na katawan ay nakakapagppakita sa kanyang mga kaibigan na nabubuhay pa at nakakapag-ugnay sa kanila, bakit ang ibang espiritu, katulag ng mga espiritung sulong, ay hindi magawa iyon? Dahilan sa likas na mapaghanap ng sagot lalo na tungkol sa pakikipag-ugnay ng mga espiritu, ipinagpatuloy niya ang pagmamaasid at pag-aaral ng espiritismo sa bansang ito. Gayunpaman, hindi siya nag-iisa sa pagtuklas nito. Siya’y sinasamahan sa pagmamasid ng penominang ito. Sina Don Inocencion Echarri, Florencion Dula, Marta Lopex de Dual, Pio Candido at Jose Gonzalez ay ilan sa mga kapatid na nagkainteres din sa pag-aaral na iyon.
Sa mga unang panahon ng kanilang pakikipagsapalaran sa mediumnidad na siyang nag-uugnay sa mundo espiritu, mga mabubuting espiritu na madalas nilang bisita ang siyang sumasagot sa kanilang mga katanungan ukol sa mundo ng mga ito, buhay pagkatapos ng kamatayan at ang dahilan niot. Nagsimula silang maupo at kumunsulta ukol sa iba’t-ibang paksa. Kumunsulta sila sa mga espiritu na sumasagot naman ng naaayon sa kanilang dapat malaman. Ang konsultasyon na ito ay tinawag nilang “Consultas Familiares.”
Maraming taon ang ginugol sa ganitong klase ng pag-aaral hanggang isang pagbabago ang dumating noong mga unang panahon ng siglong ito. Ang mga seances ay naghimok ng mga taong may interes sa pag-aaral na ito, at ang kredo at mga doktrina ay unti-unting lumago sa kanyang aktibong propaganda sa Maynila at karatig na lugar. At dahil na rin sa pag-usbong ng popularidad nitong bagong paaralan ng pag-iisip na ito sa ating bansa, ang mga naunang lider ay nagpasya na makabubuting magsama-sama sila at magtayo ng isang kapatirang kanilang itatayo, kaya noong ika-21 ng Enero 1090, sa harap ni Don Luciano dela Rosa, isang legal na kasulatan ang ginawa na tinawag na “Escritura Social,” at sa harap ng notaryong ito, ang kasulatan ay pinipirmahan ng mga kinauukulan. Ang pirmahan ang siyang naging opisyal na palatandaan, na tinawag nilang UNION ESPIRITISTA CRISTIANA DE FILIPINAS, INCORPORADA. Naging matatag ang kaparitan sa kanilang sawikain: “HACIA DIOS POR LA CIENCIA Y EL AMOR (Tungo sa Dios sa Pamamagitan ng Karungungan at Pag-ibig) kasabay ay dokrinang “SIN CARIDAD NO HAY SALVACION POSIBLE” (Kung Walang Pag-ibig ay Walang Kaligtasan), isang uri ng disiplina na nagbubuklod sa pananampalataya at paniniwala ng mga miyembro mula sa kanyang pagkakatatag hanggang sa kasalukuyan. Ang kapatirang binuo ay opisyal na naipatala sa Security and Exchange Commission (SEC) noong ika-23 ng Enero 190 na naing palatandaan na ito’y kinikilala ng gobyerno.
Dahil sa tiyaga at pagsisikap, ang mga naunang lider ng Union ay nakapagpalaganap, hindi lamang sa siyudad ng Maynila, kundi rin sa mga karatig na pook sa Luzon at ilang bayan din sa Visaya at Mindanao. Ang mga lunduyan sa Maynila ay itinayo sa iba’t-ibang lugar at distrito gaya ng Sentro “La Caridar” sa Sampaloc; “La Constancia” sa Ermita at “La Aurora” sa Pasig, Rizal.
Ang pagpapakilala ng bagong paaralan ukol sa pag-iisip o occult faith ay hindi naging madali. Sa mga naunang lider at miyembro ng kapatiran, kinakailangan ang mabigat na responsibilidad; mga gawaing humihingi na saksripisyo hindi lamang sa pisikal at materyal na bagay, kundi pati pakikitungo at liderato sa isang sensitibong komunidad ng mga debotong katoliko. Sila’y nagtatrabaho na dugo at pawis ang puhunan at naging matapang sa mga tuligsa at insulto ng mga taong nagtatalumpati laban sa kanila, at moral na paghagupit ng mga kritiko at saritista sa tabi-tabi na ipanagsisigawang ang mga espritista ay nakikipag-usap sa diyablo. Sa kabila nito naging matatag ang mga espiritista sa pamamagitan ng pilosopikal, siyentipiko, moral na debate, orasyon, pakikipagtalo sa pahayagan at kung minsan, ang mga nakikipagdebate ay humahantong pa sa pakikipagsuntukan na ikinatutuwa naman ng mga nanonood na may kanya-kanyang kinakampihan.
Sa probinsya, ang mga espiritistang nagpapalaganap sa paaralan ng pag-iisp ay kumukuha pa ng banda upang makatawag pansin sa mga naroroon at mahikayat na makinig sa kanilang mga payo upang maging mabuting mamamayan, maging mabuting magalung sa kanilang mga anak, maging matapat na asawa, at higit sa lahat, maging mabuting tagasunod ng Panginoon; upang iwasan ang mga pamahiin at labanan ang kamangmangan para sa maayos na pag-unlad. Nagpalabas sila ng mga babasahin na naglalahad ng kanilang pakikipagtalo sa mga bumabatikos at umiinsulto sa kanila. Kaliwa’t kanan ang ginawa nilang pagdepensa sa ngalan ng paaralan ng espiritismo sapagkat sila’y patuloy na ginagabay ng halimbawang ipinamalas ng mga apostoles ng halimbawang ipinamalas ng mga apostoles ni Kristo na lumabas sa mga Eskribo at Pariseo upang ipagtanggol ang doktrinang Kristiyano.
Kahit ang mga espiritistang talaytayan ay nakaranas din ng mga tuligsa sapagkat ang mediumnidad at penomina ng espiritismo ang talagang binabatikos ng mga hindi naniniwala. Sapagkat paano, ayon sa mga kritiko, na ang isang perpekto na mundong espiritual ay nakakapag-ugnay sa mga makasalanang talaytayan na gawa ng tao? Mayroon bang relasyon? Paanong mag-uugnaya ang perpekto sa imperpekto? Ang mga pag-aalinlangan na ito ay madaling nasagot ng mga espiritista. Iginalang nila ang mga turo ng mga sento na ang instrumento ng espiritual na pakikipag-ugnay sa materyal ay pangunahing pagkakakilanlan sa pag-iisa ng kalinisan at dinamismo ng sangkatauhan at Dakiling Lumikha kung saan ang katalinuhan ay nagbunga ng realidad, hindi dahil sa mga pangyayari na sumusunod lamang sa kurso ng kanilang relasyon sa karma kung paaanong patotohanan at patibayin ang pagkakakilanlan na tio ang siyang magiging responsibilidad ng tao. At maging ito’y sa Hentil o Santo, ang espiritual na pakikipag-ugnayan sa tao ay katotohan- isang katotohanan ang kapatiran sa mga doktrinang ito.
Ang mga espiritista ay nakapagbibigay ng hustong paliwanag sa lahat ng mga iba’t-iabgn uri ng katanungan, mabuti o masama, pagbibigay o kasakiman. Kaya ngayon, ang pagkamahinahon, pagpasensya, katalinuhan at pagmamahal sa kapwa ang naging katangian ng isang espiritista, na siyang nagbigay-daan upang makilala sila ng siang permanenteng katagian – ANG ISANG ESPIRITISTA AY MAY MARANGAL NA PAGKATAO.
Karagdagan sa mga debate at diskussyon, ang kapatiran ay nagpalabas ng babasahin, “Ang Espiritismo sa Harap ng Relihiyon” na pinamahalaan ni Don Agustin dela Rosa. Siya’y tinulugan nina Don Potenciano Andrade, Don Inocencion Echarrie, at ng kanyang na si Proceso.
Noong nasa mga unang panahon ng pagpapalaganap ng paaralan, nagkaroon ng paghihiwalay sa loob ng kapatiran. Pinangalan ni Don Casimiro Pena ang kongregasyon ng bago niyang grupo ng UNION ESPIRITISTA VERIDICA DE FILIPINAS. Siya’y nakapagtayo ng mga lunduyan sa Imus, Cavite, isa sa Malabon, Rizal at isa sa Caloocan, Rical. Noong lumisan sa mundo si Casimiro Pena, ang kanyang anak na si Donas Rosa Pena de Tongco ang siyang pumalit at nagpatuloy sa inumpisahan ng kanyang ama.
Isang lokal na lunduyan, ang “La Potencia” ay naging maliit na sangay ng pangkalahatang lunduyan ng Union. Ito’y itinatag ni kapatid Domingo Santos at ng kanayang asawa na si Dona Gervacia Rafael de Santos na naging opisyal na talaytayan ng sento at si Ginoong Vicente Garcia naman ang nahirang na presidente. Noong dumami ang kasapi at kinakailangan na ang mga gabinete, ilang maliliit na kongregasyon ang nabuo sa iba’t-iabgn pater sa Maynila at karatig pook. Ang isa sa pinakakilalang kongregasyon ay iyong itinatag ni Pio Tolentino. Ang mga maliliit na kongregasyon na ito ay nangasiwa ng mga kapulungan ng talaytayan, mga paraan at pag-aaral ng mediumnidad sa loob ng mga sentro, kung saan nasanay ni Dona Gervacio Rafael de Santos ang kanyang pagiging mahusay na talaytayan at ang kanyang kakayahan sa paggamot. Kasabay ni Dona Gervacia ay si kapatid Trinidad B. Estrada, na sa edad pa lamang na siyam ay nagpamalas na ng kakayahan sa mediumnidad, hanggang sa mga panahon na si kapatid Eleuterio Matute, isang manggagamot at espesyalista sa hika, kasama sina kapatid Pantaleon Belmonte, Aniceto Cabanes at Mariano Estrada ay nagtatag ng bagong lunduyan sa gabay at pamamahala ng pangkalahatang lunduyan ng UECFI.

Source: Talsik 1(5) Agosto-Setyembre 1991